|
|
Songs | Albums | Album Arts
Song: | Buloy |
Album: | | Genres: | genre |
Year: | | Length: | 260 sec |
Lyrics:
Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba No'ng tayo'y nagsasama? Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba Ang iyong mga sinabi no'ng ako'y may problema? Sabi mo, 'Lahat ng problema'y kayang lampasan Basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman' Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba No'ng ako ay na-kick out kasi daw ako'y tanga? (Tanga) Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba No'ng ako ay napalayas ng aking ama't ina? Mangiyak-ngiyak na 'ko pero sabi mo ay 'Okay lang 'yan Basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman' Kaya naman ako bilib sa iyo Kasi parang napakatibay mo Lahat ng iharang ay kaya mong daanan Basta't mayro'ng bentang alak d'yan sa may tindahan Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba No'ng araw na nadedo ang aso mong si Morlock? Hoy, hoy, Buloy, naalala mo pa ba No'ng ika'y tumawag sa 'min at ika'y umiiyak? Tapos, pagkatapos no'n, kay tagal mong nawala Nagulat na lang ako no'ng narinig ko ang balita Akala ko pa naman na marunong kang magdala Nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na Hoy, Buloy, nasaan ka man Siguradong kawawa ka, malamang walang alak d'yan Hoy, Buloy, nasaan ka man Siguradong hindi ka namin malilimutan Hoy, Buloy, Buloy, Buloy Hoy, hoy, hoy, Buloy, Buloy, Buloy Hoy, hoy, Buloy, para bang nalimot mo na Ang iyong mga sinabi no'ng ikaw ay buhay pa
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com
|