At nakita ko, ang tagumpay Malayo man di mahiwalay Ang mahalaga, ay may apoy pa rin Anumang hirap ay aangkinin
Chorus: Gumugulo sa iyong isipan takot at kaba Buhayin ang sarili mo’t magsimula ka na Sino ba naman sila para pigilan ka? Sa Dagat ng Apoy, muling lalaban ka
II
At ang lungkot, ay walang saysay Ating kapalaran ay nasa ‘king kamay ‘Di bibitaw, sa mga pangako ko At magbabalik muli sa piling nyo.
Bridge:
Mga kuko ng kahapon Wala na silang talim
Salamat kabiguan, tinuruan mo ako Sa hirap na dinanas ko (pangarap mabubuo) Kahit imposible, pipilitin ko Kahit mahirap ay kakayanin ko. (Hinalikan ko ang liwanag... Tinakwil ko ang lagim!)
III
...At lilipas din ang mga taon Simula ng ating pag-ahon ‘Di ako papayag na... Magpalunod... Magpatalo... Sa dagat ng apoy