|
|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Magdalena, ano'ng problema? Bakit 'di ka makawala sa kadena? At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda Na hanapbuhay mo ngayon Magdalena, ano'ng problema? Alam naman natin na dati kang nena At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa Ano'ng nangyari sa 'yo? Ito'y kwento ng isang babaeng Tulog sa umaga, gising sa gabi Ang kan'yang mukha'y puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi Simulan na natin ang istorya Ako'y kanyang matalik na kaibigan Ernesto ang aking pangalan Kwentong dapat n'yong malaman 'Wag nang magbulag-bulagan Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba? Pagbibigyan kita Kilala mo ba si Magda? Na aking kababata mula pa nang pagkabata Kami'y lagi magkasama, mga bangkang papel sa sapa Kan'yang ngiti, lumiliwanag ang paligid At pag siya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara Ang bibig at pintig ng puso sa kan'ya At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos Dahil pinawis ang mukha, ako'y nagpunas ng pulbos Kahit parang hindi pantay, nagmamadaling hinila Pinakilala niya lalaki na taga-Maynila Magdalena, ano'ng problema? Bakit 'di ka makawala sa kadena? At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda Na hanapbuhay mo ngayon Magdalena, ano'ng problema? Alam naman natin na dati kang nena At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa Ano'ng nangyari sa 'yo? Maraming taon, ako'y nalipasan Pinilit ko mang takasan Bagkus ay aking nalaman Ang tunay kong kailangan 'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba Minamahal ko s'ya Hahanapin ko si Magda Lumuwas habang nagdarasal na maabutan Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuan Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan Iba man ang kulay ng buhok, 'di ko malilimutan Ang kan'yang mata at tamis ng kan'yang ngiti At dahil ubod ng saya, hindi na nag-atubili Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim? Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing Nang biglang nagpalakpakan, may mabagal na kanta Sa maliit na entablado ay nakita ko na Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot? Ito'y kwento ng isang babaeng Tulog sa umaga, gising sa gabi Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi Ituloy natin ang istorya Agad s'yang sumama sa 'kin, walang kakaba-kaba Ang trato niya sa 'kin ay nobyo, tila kataka-taka Bumaba sa taxi'ng pinara sa may Sta. Mesa Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena Kung ito ay panaginip, ayoko nang magising Ngunit ako'y nanaginip, umaga na nang magising Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag Liham para sa 'kin na isinulat niya magdamag Kahit gulong gulo ang isip, pinilit kong basahin 'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin 'Mahal kong Ernesto, alam kong tulog mo'y malalim 'Di na 'ko nagpaalam, 'di na kita ginising Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay Nu'ng iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino 'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko Imbis na ako'y sagipin, itinulak sa bangin Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang babae Isa lang ang kaya kong sa 'yo'y maipagmalaki Ikaw lang ang bukod-tanging hinalikan ko sa labi Gusto ko mang manatili sa 'yong mga yakap Ako ma'y natutuwa dahil ako'y iyong nahanap Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat At ang katulad ko sa 'yo ay 'di karapat-dapat Pinangarap kong sa altar, ako'y iyong ihatid Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko'y namanhid 'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik Pero pakiusap, huwag ka na sana pang babalik Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala Salamat sa ala-ala, nagmamahal, Magda' Magdalena, ano'ng problema? Bakit 'di ka makawala sa kadena? At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda Na hanapbuhay mo ngayon Magdalena, ano'ng problema? Alam naman natin na dati kang nena At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa Ano'ng nangyari sa 'yo? Ito'y kwento ng isang babae
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
Copyright © 2002-2026. Zortam.com. All Rights Reserved.
|