Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran? Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Refrain 1: hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating ngunit masdan mo ang tubig sa dagat dati'y kulay asul ngayo'y naging itim ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na nating paabutin upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin sa langit natin matitikman
Refrain 2: mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan
Refrain 3: mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman? may mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang lalanguyan?
Refrain 4: bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan darating ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan
Refrain 5: lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa diyos kahit nong ika'y wala pa ingatan natin at 'wag nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi, tayo'y mawawala na