|
|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Isang araw
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena Para bumili ng suka Pagbayad ko aking nakita Isang dalagang nakadungaw sa bintana Natulala ako, laglag ang puso ko Nalaglag rin ang sukang hawak ko Napasigaw si Aling Nena Ako naman ay parang nakuryenteng pusa! Ngunit natanggal ang hiya Nang nakita ko na nakatawa ang dalaga Panay ang sorry ko sa pagmamadali Nakalimutan pa ang sukli ko Pagdating sa bahay, nagalit si nanay Pero oks lang ako ay inlababo nang tunay
Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sarisari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Pumunta ako sa tindahan, kinabukasan Para makipagkilala Ngunit sabi ni Aling Nena Habang maaga'y huwag na raw akong umasa Anak niya'y aalis na papuntang Canada Tatlong araw na lang ay ba-bye na
Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sarisari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera
Hindi mapigil ang damdamin Ako'y nagmakaawang ipakilala Payag daw siya kung araw-araw Ay meron akong binibili sa tinda niya Ako'y pumayag at pinakilala niya Sa kanyang kaisa-isang dalaga Ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na At iniwan akong nakatanga
Tindahan ni Aling Nena Parang isang kuwentong pampelikula Mura na at sarisari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Tindahan ni Aling Nena Dito nauubos ang aking pera Araw-araw ay naghihintay O Aling Nena, please naman maawa ka-ahh
Alam nyo'ng nangyari? Wala, ah, wala, ah Ah-ah-ah-ah (Oh, diyos ko!) Wala, ah, wala, ah Ah, ah, ah
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com
|