Artist: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Songs    | Albums    | Album Arts

Song:Kumot At Unan
Album:The Best of Apo Volume 2Genres:Pop
Year: Length:228 sec

Lyrics:

Mabuti pa ang unan mo, kasama 'pag gabi
Mabuti pa ang kumot mo, kasiping sa tabi
Sa pag-uwi mo, sila ang 'yong kasama
At sa pagtulog, wala nang iba
'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa?
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo

Mabuti pa'ng panyo mo, may dampi sa 'yong pisngi
At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti
Sa pag-uwi ko, 'yan ang naaalala
At sa pagtulog, wala nang iba
'Yan ba nama'y malilimutan ko pa?
Kung maaari lang naman (maari ba naman?)
Ako na lamang sana ang (puwede ba naman?)
Maari mong gawin na kumot at unan mo

Pangarap kita kahit papa'no pa kita isipin
Pangarap kita, dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita, gawin mo sana akong pangarap mo rin
Mabuti pa ang baso, may tikim ng 'yong halik
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
Sa 'king paggising, 'yan ang naaalala
Tuwing umaga, wala nang iba
'Yan ba nama'y maiiwasan ko pa?
Kung maaari lang naman (maari ba naman?)
Ako na lamang sana ang (puwede ba naman?)
Maari mong gawin na kumot at unan mo
Kung maaari lang naman (maari ba naman?)
Ikaw na lamang sana ang (puwede ba naman?)
Maari 'kong gawin na kumot at unan mo




 

All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com