Pagsubok ay dumarating, sapin-saping kapanglawan Puso’y ibig na manghina, tila hindi makayanan Araw-gabi ay balisa, diwa’y hindi mapalagay Nangangambang baka bukas sa Dios Ama’y mapawalay
Subalit ‘pag sumagi na sa pagod na kaisipan Bawat latay’ pagtitiis ni Hesus na minamahal Buhay Niya’y ibinuwis doon sa krus nabayubay Na ako rin ay magbabata pagsubok na dumaratal
Sa maliit na paraan sa hirap Niya ay karamay Sa bawat pagpatak ng luha sa aking mata Dahil sa hirap at kalumbayang dinadala-dala Si Kristo Hesus sa gunita ko’y nagpapaala-ala Higit sa dinaranas ko ang Kanyang binata
Buhay Niya’y ibinuwis doon sa krus nabayubay Na ako rin ay magbabata pagsubok na dumaratal
Dala kong nakalimbag sa aking katawan Ang tanda ni Hesus magpakailan pa man Dala kong nakalimbag sa aking katawan (puso ko’t laman) Mga halimbawang Kanyang iniwanan Pangako sa Iyo Ama magtitiis habang buhay Tulungan Mo ako na makapagtagumpay

Pangako sa Iyo Ama magtitiis habang buhay Tulungan Mo ako na makapagtagumpay