Artist: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Songs    | Albums    | Album Arts

Freddie Aguilar - Dugo Lyrics - Zortam Music
Song:Dugo
Album:AnakGenres:philippines
Year: Length: 

Lyrics:

Kulay ng dugo natin ay iisa
Kano ka man o kaya ay Pilipino
Hapon ka man o kaya ay Ruso
Intsik o maging kahit na maging sino
Muslim ka man o kaya ay Kristiyano
Mayaman ka man o kaya ay mahirap
Ito'y 'di sukatan ng pagkatao
Ikaw at ako'y nilalang sa mundo
Bakit may mga nang-aapi sa kanyang kapuwa?
Bakit hiwalay ang Muslim at ang Kristiyano?
'Di ba kay dakila kung tayo'y magkakaisa?
Mawawalan ng digmaan sa mundo
Buhok mo ma'y ginto o kaya'y pula
Puti ka man o kaya ay itim
Mahina ka man o kaya ay malakas
Kulay ng dugo mo't dugo ko'y iisa
Bakit may mga nang-aapi sa kanyang kapuwa? (Bakit may nang-aapi?)
Bakit hiwalay ang Muslim at ang Kristiyano? (Bakit ba hiwalay?)
'Di ba kay dakila kung tayo'y magkakaisa? ('Di ba kay dakila?)
Mawawalan ng digmaan sa mundo

Bakit may mga nang-aapi sa kanyang kapuwa?
Bakit hiwalay ang Muslim at ang Kristiyano?
'Di ba kay dakila kung tayo'y magkakaisa?
Mawawalan ng digmaan sa mundo




 

All lyrics are property and copyright of their owners.

Copyright © 2002-2026. Zortam.com. All Rights Reserved.