|
|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Limang dipang taong nagtutulakan Sa abenidang aking napagdaanan Nag-aabang ng masasakyan Patungo kung saan, 'di ko malaman Sa aking dyipning sinasakyan Mayro'ng natanaw na mama Sa dinami-raming nagdaraan Ikaw pa ang nakita Ikaw pa ang nakita May kasamang dalaga Para, mama, dito na lang, bababa na ako Para, mama, dito na lang, heto ang bayad ko Para na sabi, para na sabi Para, mama, para na d'yan sa tabi
Limang dipang taong nagtutulakan Ang dinaanan ko sa paghabol sa 'yo Tinatanaw ang pag-akay mo Sa babaeng pinangseselosan ko Sa pagmamadali, nadapa ako Sa bangketang kinatatayuan n'yo Lumapit ka at tinulungan ako At kita'y tinitigan (at kita'y tinitigan) Mga mata'y nagkabanggaan Ano ba itong naramdaman? Sorry, mama, pasensiya ka na, akala ko'y asawa kita Sorry, mama, pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa Sorry na sabi, sorry na sabi Sorry, mama, sorry't napagkamalan ka
Limang dipang taong nagtutulakan Sa abenidang aking kinatatayuan Nag-aabang ng masasakyan Patungo kung saan, 'di ko malaman Limang dipang taong nag-uunahan Sa uunting sasakyang nagdaraan Sayang ang dyipning kanina'y lulan At ngayo'y nagsisisi Sa aking pagbubusisi Malaking pagkakamali (malaking pagkakamali) Para, mama, sasakay po Limang dipang taong nag-uunahan Para, mama, sasakay po Limang dipang taong nagtutulakan Para na sabi, para na sabi Para, mama, para na d'yan sa tabi (Para, mama, d'yan sa tabi) Para na sabi, para na sabi Para, mama, para na d'yan (para na d'yan sa tabi) Para na d'yan (para na d'yan) sa tabi Para
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com
|