|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Ako ay nagbalik, upang tuparin Ang ating sinumpaang pag-ibig Na tayo'y mag-iisang dibdib Ipikit mo, iyong mga mata Panalangin ang mapayapang paglalakbay Tagumpay na uuwi sa iyong kamay
Sa digmaan, ako'y walang tangan Kundi ang pinangakong pagmamahalan Na nagtatakip sa akin sa kamatayan Sa aking harap, ang panganib Handang makipaglaban sa ngalan ng pag-ibig Hanggang matikman ang kanilang dugo Sa aking bibig
Sumikat at lumubog ang araw ng hari Daan libong buhay ang aking binawi Pitong buwan tumigil ang pakikipaglaban Dumating na ang (araw / oras ) na aking hinihintay
Sa aking pagbalik, tila lahat matamlay Sa aking pagkagulat Ang aking sinta'y nabubulok sa hukay Ipinikit ko, ang aking mga mata Dinadalangin na ito'y panaginip na nagbibiro Sa aking pagdurusa.
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com
|