Artist: A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Songs    | Albums    | Album Arts

Song:Sa Bibig Ng Impyerno
Album:Kapatiran Ng Bakal At ApoyGenres: 
Year:1996 Length:265 sec

Lyrics:

Buksan mo ang lupa, at kami'y papasukin
Sa iyong kaharian na balot ng dilim
Hindi kami takot kanino mang halimaw
Aming babawiin kalulwang iyong inagaw

Bumaba ka sa iyong trono at kami'y harapin
Humanda kang lumaban ng ngipin sa ngipin
Ika'y hinatulan ng walang hanggang kamatayan
Talim ng kampilan iyong matitikman

Isara ninyo ang pintuan, walang patatakasin
Ngayon diyos na turing tayo'y nagharap din
Kami ang panginoon ng hangin at tubig
Kapangyarihan at tapang sa iyo'y lulupig

Sukdulan ang aming galit, dugo namin ay mainit
Ika'y parurusahan ng paulit-ulit
Walang kapatawaran, kamatayan ipagkakait
Sa bibig ng impiyerno, doon ka hahanguin




 

All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com