N'ong isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang Nanay at Tatay mo'y Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pag-tulog mo At sa gabi napupuyat ang iyong Nanay Sa pag-timpla ng gatas mo At sa umaga nama'y kalong ka nang iyong Ama Tuwang-tuwa sa 'yo Ngayon nga'y malaki ka na At nais mo'y maging malaya Di man sila payag walang magagawa Ikaw nga'y biglang nagbago Naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo Di mo man lang inisip Na ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo, Di mo sila pinapansin Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulung sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan Ang 'yong Inang lumuluha At ang tanong anak Ba't ka nagkaganyan At ang iyong mga mata'y Biglang lumuha nang di mo napapansin Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mo ika'y nagkamali Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mo ika'y nagkamali Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mo ika'y nagkamali.....