Noong una kang makita Alam mo ba sinta Ako ay nagalit dahil suplado ka Ngunit hindi naglaon nakilala rin kita Marunong ka rin naman palang tumawa
At ng kita`y kausapin Ako`y nangangamba Na baka ika`y magalit at umiwas ka sinta Ngunit hindi naglaon nakilala rin kita Hindi ka naman pala totoong suplado
Minahal kita hindi lang dahil sa gwapo ka Minahal kita hindi rin dahil sa maporma ka Minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka Minahal kita sa taglay mong pambihira
Minsan ako`y lumisan Akala ko hirang Iyong kalilimutan ang bakas ng suyuan Ngunit aking nalaman Buhat sa isang kaibigan Ginagabi ka raw sa ating tagpuan
Minahal kita hindi lang dahil sa gwapo ka Minahal kita hindi rin dahil sa maporma ka Minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka Minahal kita sa taglay mong pambihira [x2]