Parang kailan lang Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin Dahil sa inyo Napunta ako sa aking nais marating Kaya't itong awiting aking inaawit Ay nais ko kayo ang handugan Parang kailan lang Halos ako ay magpalimos sa lansangan Dahil sa inyo Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkakalaman At dahil dito ay nais ko kayong pasalamatan Kahit man lamang sa isang awitin Tatanda at lilipas din ako Nguni't mayroong awiting Iiwanan sa inyong ala-ala Dahil, minsan, tayo'y nagkasama Parang kailan lang Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan Dahil sa inyo Narinig ang ang isip ko at naintindihan At dahil dito'y nais ko kayong ituring Na isang matalik kong kaibigan Tatanda at lilipas din ako Nguni't mayroong awiting Iiwanan sa inyong ala-ala Dahil, minsan, tayo'y nagkasama