|
Lyrics:
Sayang, ngayon lang tayo nagkatagpo
Ngayon na rin magkakalayo
Bakit kaya minsa'y sadyang kay damot ng tadhana?
Oh, sayang, sana'y nakilala na kita
Noong ako ay malaya pa
Katulad mo, malayang nasusunod ang puso
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At doo'y magisnan na ang pag-ibig mo
Sa dalangin ay hinihiling kong
Lumakad sanang pabalik ang panahon
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At iguhit na muli ang nakaraan
Sana'y kaya kong baguhing lahat
Sa nakalipas nating kasaysayan
Oh, sayang
Sayang, huling dumating sa buhay ko
Ang pag-ibig na katulad mo
Bakit kaya minsa'y sadyang kay damot ng tadhana?
Oh, sayang, pagsuyong ngayon lang dumating
Hindi na maaaring angkinin
Ng tulad kong wala nang kalayaan pang umibig
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At doo'y magisnan na ang pag-ibig mo
Sa dalangin ay hinihiling kong
Lumakad sanang pabalik ang panahon
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At iguhit na muli ang nakaraan
Sana'y kaya kong baguhing lahat
Sa nakalipas nating kasaysayan
Talagang sayang, oh, sayang
Sayang
All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com
|