Intro: Dayawen ta ku si Kabunian begew sininam a magna Dayawen...! Dayawen taku si Kabunian
'Di ba ninyo naririnig, sa lupa at himpapawid, Mga ibon at kuliglig, humuhuni't umaawit
Sa bawat sipol ng hangin, ganda ng buwa't mga bit'win, Umuusbong ang hangarin, ang Lumikha ay purihin
Purihin Dios na maylikha Ang nagtatag at gumawa Tunay ngang kamanghamangha Bigay N'yang langit at lupa Sabaysabay kumakanta Lahat Niyang mga likha Dahil sa Kan'yang biyaya't Kabutihang walang hangga
Ang pagsibol ng pananim Pagasang di naninimdim, Dalang hamog sa lupain Pumapayapa'ng daigdig
Ang himig ng kagubatan Sigasig ng kabundukan Indayog ng karagatang Lahat inaanyayahang
Purihin Dios na maylikha Ang nagtatag at gumawa Tunay ngang kamanghamangha Bigay N'yang langit at lupa Sabaysabay kumakanta Lahat Niyang mga likha Dahil sa Kan'yang biyaya't Kabutihang walang hangga
Pagsikat ng Kan'yang Araw na may dalang kagalingan Pagsugo ng alapaap hatid dalisay na ulan Halina at umpisahan, walang tigil ipagdiwang
Dayawen taku si Kabunian Hey!
Sabaysabay kumakanta Lahat Niyang mga likha Dahil sa Kan'yang biyaya't Kabutihan, kabutihan!
Purihin Dios na maylikha Ang nagtatag at gumawa Tunay ngang kamanghamangha Bigay N'yang langit at lupa Sabaysabay kumakanta Lahat Niyang mga likha Dahil sa Kan'yang biyaya't Kabutihang walang hangga Hey