Papuring awit ay aalayan Ka, Ama Buong kagalakan kaming sumasamba Ihahandog sa Iyo ingay ng kagalakan Ihahayag namin ang Iyong kabutihan
Pasasalamatan namin ng walang hanggan Pupurihin namin ang dakilan Mong Ngalan Ihahayag namin ang Iyong kadakilaan Hanggang wakas ng buhay pasasalamatan
Walang Hanggan.. Walang Hanggan..
(ahhh...)
AWIT NG PAGPAPASALAMAT
Maligayang umaawit itong kapatiran Buong siglang nagpupugay sa katotohanan Sa Iyo ang lahat ng karangalan at kapurihan Oh Amang Banal 2x
Oh Amang Banal
PAPURI, LUWALHATI
Papuri, luwalhati ay iniaalay sa'Yo Papuri, luwalhati magmula sa ubod ng puso Hanggang sa bayan Mong banal Handog sa Iyo ay parangal Do'n sa magpakailanman Ikaw ay aawitan 2x
Paglilingkuran ng may kagalakan Ngalan Mo'y aming sasambahin at pararangalan Kami'y magpupugay ng magpakailanman Sapagkat kami'y inari Mo at 'Yong kinalugdan
Hindi sapat ialay ang aming buhay kung kaya't tanggapin pag-ibig wagas iniaalay
Papuri, luwalhati ay iniaalay sa'Yo Papuri, luwalhati magmula sa ubod ng puso Hanggang sa bayan Mong banal Handog sa Iyo ay parangal Do'n sa magpakailanman Ikaw ay aawitan
'Di kalilimutan magpasalamat Hanggang sa Bayan Mong kalangitan Magpupugay.. Magpupugay..
Papuri, luwalhati ay iniaalay sa'Yo Papuri, luwalhati magmula sa ubod ng puso Hanggang sa bayan Mong banal Handog sa Iyo ay parangal Do'n sa magpakailanman Ikaw ay aawitan
Do'n sa magpakailanman aawitan
Papuri, luwalhati ay inaalay sa Iyo....
BAYANG HINIRANG
Walang hanggang pasasalamatan Pagkat kami'y Iyong iningatan Buong taon ang nagdaan Kami ay kinaawaan
Pupurihi't pasasalamatan Buong galak naming aawitan Hanggang wakas nitong buhay Hanggang sa magpakailanman
Ang bayan Mo dukha man at hinamak Iyo ngang kinalugdan
Walang hanggang pasasalamatan Pagkat kami'y Iyong iningatan Buong taon ang nagdaan Kami ay kinaawaan..
Pupurihi't pasasalamatan Buong galak naming aawitan Hanggang wakas nitong buhay Hanggang sa mag - pakailanman