NARITO AKO (Click Here For Translation in English) By: Regine Velasquez Composed by: Nonong Pedero Arranged by: Louie Ocampo Produced by: Ronnie Henares
Narito ako umiibig Laging tulala at ligalig Heto na naman at halos 'di mapakali Sa damdamin na pinakamimithi Narito ako na lagi nang nakatingin Sa mga ulap at bituin
Narito ako umaawit Ng mga kundimang kay tamis Napakataas, lumilipad itong isip Kalayaan ko aking inaawit
Narito ako na lagi nang nakatingin Sa mga ulap at bituin..... Puso't isip ko Ay iisa ang hiwatig Narito akong umiibig
Bridge: May kutob akong pumipintig Heto na sa wakas ang pag-ibig
Narito ako na lagi nang nakatingin Sa mga ulap at bituin..... Puso't isip ko Ay iisa ang hiwatig Narito akong umiibig