|
|
Songs | Albums | Album Arts
Song: | Anak (English) |
Album: | | Genres: | Other |
Year: | 1980 |
Length: | 236 sec |
Lyricist: Freddie Aguilar
Lyrics:
No'ng isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang 'yong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y 'di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na ang nais mo'y maging malaya 'Di man sila payag, walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago, naging matigas ang iyong ulo At ang payo nila'y sinuway mo
'Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa iyo 'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo, 'di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan ang iyong inang lumuluha At ang tanong, 'Anak, ba't ka nagkaganiyan?'
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha nang 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com
|