|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Bulong ng 'yong puso aking naririnig 'Di ka malayo, iisa'ng ating tinig Sa Diyos nagtitiwala, daan ay mahahanap Ito ang paalala sa lahat Niyang anak
Hakbang pa, kapit lang Wala sa'ting maiiwan Kaya pa, laban lang Gabay nati'y pagmamahalan
Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa
Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh-oh, oh Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh-oh, oh Para sa isa't isa
Sa pangangamba, hindi patatangay Panahon ma'y mag-iba, laging kapit-kamay Lahat haharapin ng magkasama Isa't isa'y aakayin, tayo ay pamilya
Hakbang pa, kapit lang Wala sa'ting maiiwan Kaya pa, laban lang Gabay nati'y pagmamahalan
Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa
May liwanag sa dulo ang lahat ng ito Sa bagong simula ng daigdig Maghahari na ang pag-ibig
Hakbang pa, kapit lang Wala sa'ting maiiwan Kaya pa, laban lang Gabay nati'y pagmamahalan
Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa
Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh-oh, oh Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh-oh, oh Para sa isa't isa
Yow, andito si nanay saka si tatay Pag-ibig nila'y liwanag sa'tin nakaagapay Andito rin ang mga guro at kabataan Pinaglalaban nila ating kinabukasan (Uh, uh) Andito ang mga anghel sa lupa Kalinga nila'y pagpapala na 'di humuhupa Andito ang puso ng mga nangibang bayan Malayo man sila dito laging mayro'ng tahanan Andito ang mga nag-iingat sa atin Saludo tayo, tapat sila sa tungkulin Andito ang mga naglilingkod sa kapwa Salamat sa dala nilang ginhawa Andito ang paghilom at pag-asa Dahil andito tayo para sa isa't isa
Hakbang pa, kapit lang Wala sa'ting maiiwan Kaya pa, laban lang Gabay nati'y pagmamahalan
Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa
Andito muli ang himala ng Pasko Kabutihan ng tao ang ilaw ng mundo Andito ang Diyos, dala Niya'y pag-asa Andito tayo para sa isa't isa
Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh-oh, oh Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh-oh, oh Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh-oh, oh Andito tayo para sa isa't isa, oh-oh-oh, oh Para sa isa't isa
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com
|