|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Madilim ang iyong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo, sa 'yo'y pinagkaitan Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin, wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, diyan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ano sa 'yo ang musika? Sa 'yo ba'y mahalaga? Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, oh, kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal 'Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal Na buhay na banal Na buhay na banal Banal
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
2025 Zortam.com
|