Naputulan ng paa pero di sya tumakbo Naputalan ng kamay pero di sya tumakbo Naputulan ng kuko pero di sya tumakbo Pero di sya tumakbo pero di sya tumakbo
Sinong takot? sinong tumitiklop? Sinong tumatakbo pag ang kalaban ay nariyan sa likod
Hindi takot hindi tumitiklop Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako sa bewang ng supremo
Akoy kasing tigas ng bakal Binabad sa apoy para lang mapalambot Supremo Di ako marunong umangal Kahit na ako'y may martilyong sinasambot
Aking dinanas Pilit tinanas Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Aking dinanas Pilit tinanas Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Braso, kamay, ulo, pangalan binitbit sa digmaan Nalasahan ko na
Kaya siguro ganito ang aking pagkakahulma Sa paraan ng pag gamit sakin hindi nagtaka
Agad nalaman ko na minsan ay kailangan mong itarak Dugoy dumanak nang malaman ang balak
Ng iba na ang tanging hangad ay ang malamang Kapag may nililitis ako ang laging naka abang
Pag mayrong nahatulan at di makati ang baril Dahil sanay pumutol ng kahoy akong taga kitil
Pero kung minsan ay nagtatanong may napuntahan ba Ang walang tigil na pag daloy ng sapa na pula
At sa palengke ng dahas di kailangan bumili Ang pilit na sinasabi sakin ng pluma ni Jose
Tingin ko yun ay mabagal ito ang mabilis Ako nga po pala ang itak ni gamit ni Andres