|
|
Download Now!!!
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
[Gloc-9:] Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc Malakas! Bagong gawa ni Chito at ni Gloc
[Chorus: Chito Miranda] Kahit ano mang mangyari, aking aabutin Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison
[1st Verse: Gloc-9] Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit ng ganitong pamamaraan Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga samantala para bang ang dami ang nag-uunahan Sino ba talaga ang pinakamabilis? Hindi naman mahalaga Kasi ang tunay na tanong ay kung gano ka kagutom Mahawakan ang pangarap Mayakap malawak ang balak itarak ang itak Puso kong dumadagundong Kahit na anong mangyari, kailangang madali Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok Dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok Sige lang itulak mo ang kariton Kung di abot ikaw ay tumalon Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon Pawis na tumulo pag-inipon mo galon-galon Sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon Nauna sa tadhana pumikit lang ang pahinga Isaulo ang bawat letra, tandaan mo ang pahina O pahina’, kumain na kayo nakahain na Ang pagmamahal na kailanma’y tinuro sa aking ina Kahit na ako minsan ay nagkakalatay kay tatay Ang kanyang mga payo sa akin ay siyang umakay Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay Tiyagain mo lang…
[Chorus: Chito Miranda] Kahit ano mang mangyari, aking aabutin Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison
[2nd Verse:] Di mo kailangang pakinggan ang sinasabi ng mga ayaw maniwala Kahit medyo pawisan diretso lang parang kalan at paliyabin natin ang baga Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan dahil natural lang ang mabahala Malubog sa putikan, yapak ka lang, sagad mo lang kahit na gano kadambuhala At atumali, sandali nga hindi pa ko tapos Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos Paa’y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos Patipato at panabla, sige ubos na kung ubos Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian Sa dami ng kalaban, di maiwasan ang sanggian Bigay todo pa lagi, kaya malamang na mabalian Sa laro na bilang ko lang ang tunay kong kaibigan Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik Daanan mo ng daanan hanggang sa’yong madagit Kahit ika’y pagdudahan ng kaibigang matalik Wag mawalan ng pag-asa, pare buhay pa rin si magic!
[Chorus: Chito Miranda] Kahit ano mang mangyari, aking aabutin Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison
Download Now!!!
|
Copyright © 2020 Zortam.com. All Rights Reserved.
|