[Chorus:] Pag ako ay lumaki ako ay bibili Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat Gusto kong maging isang sikat na rock star Gusto kong maging isang sikat na rap star
Pag ako ay lumaki ako ay bibili Ng mikropono para ako'y maging isang sikat Gusto kong maging isang sikat na rock star Gusto kong maging isang sikat na rap star
[Verse 1:] Isang araw nang ako'y tumawag sa telepono Gamit landline sabi sa 'kin ng kausap ko Pumunta ka dito sa Las Pinas ngayon na May pag-uusapan tayong bagay na mahalaga Bumiyahe ng tatlong oras umuwing nagtataka Akala ko kung ano masisisante lang pala Simula noon ay itinaga ko sa bato Kahit na anong mangyari ay maririnig mo to Naaalala ko pa 'nun pag namumulot ng buto Nangangarap ng gising na sa isip kaya ko to Pero di naging madali isa pa wala kang pera Parang batuta ang dala na sumugod sa giyera Ganon talaga ang buhay pero handa kong suungin Kapag hawak ang mikropono dapat laging sunugin Itago ang pagkakataon lalo na kung mainit Handa kong habulin kung sino ako sa panaginip
[Chorus]
[Verse 2:] Parang gutom na aso lahat aking papatulan Kahit na anong kanta lahat ay aking lalatagan Sumali sa paligsahan ng pagsulat ng kanta At ang pangsiyam na kalaban ko ay si Jimmy Antipota Kahit talo kesihoda ang premyo keso de bola Sako-sakong mga letra baon ko sa kaserola Sino yon? Gloc 9, yung nag rap ng mabilis Mukhang pandak sa TV ang boses ay medyo manipis At ang buhok ay palinis sa'min ni Jose Rizal Di pantay ang ulo ko kaya di pwedeng semikal Kinabisadong mga bara kaya medyo kritikal Hindi tumitigil parang may ininom na ketical Sumabay ako sa koro ng kulay abo na aso Binanatan ng bagsakan at masayang sumaludo Sa mga idolo ng mga idolo Laging kinakanta kahit di banggitin ang titulo Pare wag mo kong kulitin alam mo ang aking sagot Hindi ako ang susunod malapit na kong mayamot Itanong mo kay sir ely, sir raims, sir chits Isa lamang ang aking ituturo si sir kiks