|
|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi Bababa na po ako, heto po ang bayad ko Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi Bababa na po ako, heto po ang bayad ko Si Mang Berto na sumakay sa may kanto Atin nang simulan ang mga kwento May kaisa-isang anak na babae Ngalan ay Luisa, isang estudyante Ang pag-aaral iginagapang Upang kahirapan ay matakasan Isang gabi ng Marso, bandang alas otso Maagang umuwi ng bahay si mang Berto May dalang supot ng pansit at mamon Maligaya kahit sa bihirang pagkakataon Bukas ay magtatapos na sa kursong kinuha Ang kanyang pinakamamahal na si Luisa Dapat sana'y meron na silang patutunguhan Ngunit sadya bang may sumpa itong ating lipunan? Dahil natagpuang patay sa ilalim ng tulay Pangarap ni Luisa ay inanod lang na kasabay Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi Bababa na po ako, heto po ang bayad ko Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi Bababa na po ako, heto po ang bayad ko Pagdaan sa may Quezon Avenue Sumakay naman si Ate Marilou Bente-kwatro anyos, walang natapos Ang anak ay nasa ICU Pagpatak ng alas onse naka kolorete Sya'y nasa tabi at pumapara ng kotse Kahit dosbente kanyang papatulan Pambili ng gamot para malunasan Kahit isang araw lang Buhay ng kanyang anak madugtungan Bukas ng gabi naman May ilang buwan na ring kanyang ginagawa Walang matakbuhan, wala syang magawa Bakas sa mukha lahat ng pait Ngunit sanggol nya'y walang kapalit Kahit alam niyang sya'y nahawa ng sakit Para sa kanyang anak gagawin ng papikit Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi Bababa na po ako, heto po ang bayad ko Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi Bababa na po ako, heto po ang bayad ko May isang batang nakasabit sa estribo Anim na taon, ang pangalan ay Benito Maghapon, magdamag syang nagtratrabaho Punas ng sapatos at bote, dyaryo Para may makain ang tatlong kapatid Lima, apat, dalawang taon, isang batang paslit Pa lamang ay naatang na sa kanyang balikat Responsibilidad iniwan ng ama'y nalipat Nang ipinasok sa kulungan ang ina sila'y iniwan Sinubukan nyang pigilan ngunit sya'y pinagtulakan Hanggang sa nagkasakit ang bunsong kapatid At sa isang kariton ang hininga'y napatid Ngayon ay 'di na batid kung ano ang syang hatid Ng bukas para kay benito na tila parang manhid Na sa hapdi na dulot ng mga pangyayari Sumisinghot ng rugby, bumaba sa may Malate Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi Bababa na po ako, heto po ang bayad ko Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi Bababa na po ako, heto po ang bayad ko Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating Tumawag lang kay mamang drayber Tayo'y makakarating Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating Tumawag lang kay mamang drayber Tayo'y makakarating Mama para (mama para) Mama para (mama para) Mama para (mama para) Tayo'y makakarating Mama para (mama para) Mama para (mama para) Mama para (mama para) Tayo'y makakarating
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
Copyright © 2002-2026. Zortam.com. All Rights Reserved.
|