|
|
|
Songs | Albums | Album Arts
| Song: | The Bobo Song (featuring Loonie of Stickfiggas) |
| Album: | Matrikula | Genres: | Pinoy hip hop |
| Year: | 2009 |
Length: | 276 sec |
Lyrics:
Lahat ng nakikita ko Lahat ng nakikita ko Nakaka, nakaka, nakakabobo Nakaka, nakaka, nakakabobo Ang pinilakang-tabing na sariling atin Natabunan ng mga telenovela na pinilit lang ang dubbing Walang palabas at mas madalas ang patalastas Sa aming telebisyon, biglang naisip ko ang aking Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin Ako ay pilipino sa isip at sa damdamin Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog 'Pag malapit na maluto ang sinaing Huminahon ka itay, baka ka mabulunan Sa laki ng binayad mo, wala 'kong natutunan Ni kapiranggot mula nung unang baitang Pumapasok lang ako para mangutang kay ma'am Ng pambili ng kanin, chicken adobo Araw-araw ganito, nakakabobo Lahat ng nakikita ko, nakakabobo Kahit nakapikit ako, nakakabobo Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakakabobo Lahat ng nakikita ko, nakakabobo Kahit nakapikit ako, nakakabobo Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakakabobo Pulitiko na sa showbiz, posible na pala Ang dami nang artista sa pulitika Tanga, bobo, inutil, walang pinag-aralan Hangal, hung-hang, sino bang pinagmanahan? Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata Upang mapansin ka ng madla Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu In the loop sa chika chuvanes ke churva eklavu Mga tsismis na nahuli na nang isang dekada May pelikula kaya ngayon sila'y mag syota The who itong starlet na sa banyo nadulas 'Wag na 'wag mong ililipat' susunod na sa The Buzz One, two, three, teka lang nauna me Makakakita ka ng mga natapakan sa TV Habang kumakain ng kanin, chicken adobo Ayoko ng ganito, nakakabobo Lahat ng nakikita ko, nakakabobo Kahit nakapikit ako, nakakabobo Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakakabobo Lahat ng nakikita ko, nakakabobo Kahit nakapikit ako, nakakabobo Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakakabobo Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit Kala mo alam mo 'to, kala mo alam mo 'yan Kala mo porket tagalog, puro lang kabaduyan Kala mo porket mahirap ka, hanggang diyan ka na lang Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam Kasi lahat ng nakikita mo, akala mo tama Maghapon ka sa TV mo na nakatunganga Nakapangalumbaba simula pa nung bata 'Di naman importanteng magpakadalubhasa Ang akin lang naman, ikaw ay maliwanagan 'Wag na 'wag mong gawing dahilan ang kahirapan Maniwala, pero 'wag umasa sa himala Wala pang nananalo sa lotto na 'di tumataya Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong Kung ang pag-iisip para sa 'yo'y nakakangawit Ibenta mo ang utak mo kung 'di mo ginagamit 'Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao Pilipino lang ako 'pag nananalo si Pacquiao 'Pag narinig ko ang kanin, chicken adobo Nakakaindak kahit nakakabobo Lahat ng nakikita ko, nakakabobo Kahit nakapikit ako, nakakabobo Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakakabobo Lahat ng nakikita ko, nakakabobo Kahit nakapikit ako, nakakabobo Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako Nakaka, nakaka, nakakabobo Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit Kala mo alam mo 'to, kala mo alam mo 'yan Kala mo porket tagalog, puro lang kabaduyan Kala mo porket mahirap ka, hanggang diyan ka na lang Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam Bobo
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
Copyright © 2002-2026. Zortam.com. All Rights Reserved.
|