|
|
Download Now!!!
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Ito'y isang awiting aking sinulat Nang sa gayon kayo ay aking mamulat ah. At makilala ang Isang makata na Mula sa rizal ako ay isang bata na Merong pinapangarap Kaytagal kung hinanap Kaytagal kung hinabol Kaytagal kung nayakap Ang aking pagkakataong Marinig, nalagay Ang boses ko sa CD Na bili ng Libo libong katao Ang lahat ng tula ko Letrang kinabisado Pag-kakanta'y kabado Palad na malamig Medyo nanginginig Hirap sa paghinga Parang sumisikip Ganyan palagi pag hawak ay mikropono Isipin mo, yan ay totoo Kahit ako'y isang makatang bihasa Kaibigan isa lamang ang aking ginawa kaya
[CHORUS] Mangarap ka... Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas (Si magtiwala ka) Mangarap ka... Kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas (Bukas ay naroon kana)
Binabayaran nga sa tuwing ako'y aawit ng tula Pero bakit kulang, parang lumunok ka ng dura Malalakas mangutya, makakapal ang mukha Dinaanan ko na parang nagmumog ka ng tuba Ubod ng pait kung minsan ay hindi ko masikmura Dito ko pinagpalit ang pag-aaral teka muna yan ang sabi ko Dahil gusto kong maging sikat Usap-usapan parang makabagong alamat Pero akala ng iba, ito ay madali Pakinggan mo ako pare wag kang mag madali Naranasan mo na ba sayo'y walang kumakaway Kasama ka sa motorcade pero walang kumakaway Para kang gago, mikropono'y laging dispalehado Tumatalon na CD, sira na entablado Di ka pinapansin kasi di ka makakanta Pagkatapos mong umawit bibigyan ka ng barya
[REPEAT CHORUS]
Labing isang taon Ang sa akin ay lumipas Ngayon ay masasabi kong Matamis nga ang ubas Hindi ako doktor, lalong hindi piloto Pero dahil saking dula ay nasa eropalano Salamat sa bato, bakal, kahoy't sa dingding Parangal para hangain, pangalan ay magningning Pero sakin may isang batang lalaki at babaeng na nag-aabang Kung meron akong maipapadede't maipapakain Kanilang kinabukasan ay aking sisiguraduhin Ang masagana ay aabutin, bagamat ako'y isang Kilalang, nilalang minabuti kong ako ay mag-aral nalang Tatapusin ko ang kurso nasaki'y maghahatid ng tagumpay Na parang meron akong bakal sa dibdib Hindi tinatablan, isipin mo naman Kahit sumikat man o malaos may masasandalan Sinasabi nila ako ang pinakamagaling, pinakamabilis, at iba'y walang dating Ibang klase kung sumulat, para kang kinakausap Pag merong bubuhatin ako lang ang makakabuhat Nagbabago ng tingin sa mga makatang pinoy Pagmadilim may sumusulat ng letra nag-aapoy Tatanggapin ko yan ng buong karangalan Kung ako ang syang umawit ng mga kababayan (Mga kababayan)
[REPEAT CHORUS]
Download Now!!!
|
Copyright © 2020 Zortam.com. All Rights Reserved.
|