Tandang tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaiban Laging mong kakwentuhan sa umagahan natin na tambayan Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit Gustuhin ko mang sabihin ako'y kaibigang matalik Ng lalake na sayo'y gabi-gabi ang panliligaw Ika'y sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw Na ako ang syang nakakaalam kung ano ang mas tama Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya At sinabi ko ang taong yan ay mapagkakatiwalaan Di ka sakin sumagot nabalitaan ko na lang
[Chorus:] Wag mo na akong pilitin Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi Walang dapat ipagtaka Ako ay pinanganak na torpe Sa ayaw at hindi
Lumipas ang 10 taon nasa Maynila ka na raw Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong di sa araw At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti Ako'y nagsisi, kung alam ko lang di sana'y noon pa Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong Damdamin ko para sa'yo dalangin sana'y may tugon Na ang noon ay mahawakan at makasama ngayon Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon
[Repeat Chorus]
Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan Ay may isang babae na sakin lumapit at nagsalita Hindi nakapagsalita ako'y napatulala Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala Siguro'y panahon na upang kami'y magkasama Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad Ikaw pala'y ikakasal at sa akin ay magpapaalam Di na nakuhang sabihin at sayo'y ipaalam Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na Sa pagtalikod at may tumulong luha sayong mata