|
|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Naranasan mo na bang kumain nang walang nakahain? Nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan 'Di tinulungan, 'di mo akalain Na tuluyan kang matatabunan ng mga suliranin Naranasan mo na bang parang nakagapos ang mga braso? Sa mga problemang kinakaharap ay lagi kang talo 'Di na alam ang 'yong gagawin, sa putik ay sagipin Kung mayro'n kang pagtingin, aking palad ay abutin Tila hindi na tuluyan pang maubusan ng luha Mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa Hindi na kayang tumingala, kailan makakawala? Magkasingdami ng pagsubok ang aking pagkadapa Kailan pa matatapos paghihirap ko sa buhay? 'Di ko 'to ginusto pero mahaba na'ng aking sungay At nang hindi na madamay pa sa aking kamalasan Pilitin mong matakasan bago pa 'ko masiraan ng aking ulo Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo Ayoko mang masiraan ang aking ulo Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo Bahala na, masiraan ng ulo Naranasan mo na bang pawisang hindi mo pwedeng punasan? Hindi mo pwedeng iwasan, hindi mo pwedeng labanan Hindi mo pwedeng gamitin, hindi mo pwedeng hipuin Sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil Na laging hinahagupit ng amo kong malupit Nadarama kong sakit, palaging nakapikit At pilit na tinitiis ang bawat hapdi Sa mga araw na laging kulang ka sa salapi At 'di mo na malaman kung kanino ka hihingi Kung minsan ay hindi mo na makuha pang ngumiti Pagkagising ay trabaho, kung minsan ay namamaho Kasi butas na ang tabo, wala pang tubig sa banyo Sinasabunutan mo na'ng sarili, langaw ay hinuhuli 'Pag mag-isa'y humuhuni, nand'yan sa tabi-tabi Gusto mo nang sumigaw, gusto mo nang bumitaw Sabihin mo sa 'kin bago pa 'ko masiraan ng aking ulo Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo Ayoko mang masiraan ang aking ulo Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo Bahala na, masiraan ng ulo
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
Copyright © 2002-2026. Zortam.com. All Rights Reserved.
|