|
|
|
Songs | Albums | Album Arts
Lyrics:
Bakit mo ba pinapakialaman ang mga ginagawa ko? Teka, mayro'n ka bang alam Sa mga nangyayari sa'kin? Tinapanimulan Na walang kahumpay-humpay na kamalasan Teka muna, 'di ba mayaman ang iyong ama? Oo nga, eh, bakit nagrereklamo ka pa? Kasi unang-una, hindi niya binibigay ang mga kailangan namin 'Di na malaman ng aking ina Kung kanino nangutang, umutang, pautang ulit Pati pambayad namin sa ilaw ay laging gipit Listahan sa tindahan na habang pilipilipitin Ang salabat at si alibambang at sitsiritsit Lahat 'yan ay kasalanan ng ama kong magaling Kaya kung minsan ay 'di ko maiwasang hilingin Na mawala nang tuluyan dito sa 'king paningin Ilagay sa ataol at tuluyan nang ilibing Anong ilibing? Sino na naman ang namatay? Wala pa naman pero baka sumunod si Itay Sa panaginip ko lamang naman nailalabas Ang aking galit, tanong ay bakit napakagilas Na tadhana, na masagana? Mga taong hindi inaalintana Ang tulad mo na laging nasa bintana Iniintay na lumuhod ang mga tala Eh, pa'no 'yan? Malapit na'ng bayaran ng tuition fee mo Okay lang 'yan, alam ko naman ang bahay ng ama ko Teka, nako, mukhang may balak ka na masama Ba't mo alam? Kasi wala 'kong tiwala sa 'yong mukha Mauuna na ako, may pupuntahan pa ako Kita tayo sa Sabado, tatapusin ko lang ito, sige Ang akala mo 'di ko alam kung saan ka pupunta Kahit na nauna ka, sinundan pa rin kita Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan Simula ngayon, wala nang pakialamanan Pero masama 'yan, teka, masama 'yan Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan Simula ngayon, wala nang pakialamanan Pero masama 'yan, teka, masama 'yan Napakaganda nga pala ng bahay ng aking ama Na dapat din pala sanang bahay din ng aking ina Pero bakit sila, tinuturing niya kaming iba? Kinalimutan, 'di nanghinayang, ngayon ako naman ang babawi Sa kayamanan, ako na manghahati Pero teka, pa'no 'yan? Wala ka namang susi Sawa na 'ko na palagi na lamang lugi 'Wag ka maingay, manood ka nang mabuti Pagkatapos ko maibukas ang kandado Buti na lamang wala 'ata silang aso Hoy, tingnan mo kung tulog na ang mga tao Wala na, kaya pinasok ko ang kuwarto Ng aking ama na nasa opisina Kinuha maleta na punong-puno ng pera Pero bago 'yan ay mayro'n nakitang batang may dalang magazine Na 'di dapat siya ang tumitingin, sino ka? Agad ako napasigaw pero 'di ko nilakasan Kasi baka maligaw ang mga guwardiya Na biglang mayro'ng pumasok na isang dalaga Akala ko walang sinabi nu'ng una Hindi ko alam, magaling pala manipa Teka, bakit ka nagpakita? Pa'no 'yan? Bilisan mo, sige, salag Iwanan mo na lamang kaya baka mabalibag Yuko, dapa, talon, ano ba'ng masakit? Binalaan naman kita, ikaw lang ang makulit Pero malupit, kita mo naman nakatalon Napakayabang mo talaga, 'wag ka na lumingon Sige ka, baka dumating ang mga pulis Madami na tayong pera ngayon, halika, bilis Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan Simula ngayon, wala nang pakialamanan Pero masama 'yan, teka, masama 'yan Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan Simula ngayon, wala nang pakialamanan Pero masama 'yan, teka, masama 'yan Teka nga muna, tigilan mo 'yan, masama 'yan Wala kang mapapala, bitawan mo na nga 'yan Simula ngayon, wala nang pakialamanan Pero masama 'yan, teka, masama 'yan
|
All lyrics are property and copyright of their owners.
Copyright © 2002-2026. Zortam.com. All Rights Reserved.
|