[Chorus:] Ako si Gloc 9 Pano yan eto na sya Di' ko naman kayang gayahin ang ginagawa nya Ako si Gloc 9 Pano na yan ulitan Na naman ng mga sinulat na napag-iwanan Ako si Gloc 9 Pano yan eto na sya Di' ko naman kayang gayahin ang ginagawa nya Ako si Gloc 9 Pano na yan ulitan Na naman ng mga sinulat na napag-iwanan
[Verse 1:] Kumapit ka sa katabi mo Mula ng marinig mo Ang boses ng isang pinakakilalang liriko Na si Gloc 9 Taga Binangonan,Rizal Binatohan lang ng piso sa entablado kumapal Na ang aking mukha Bumabangon pag nadapa Di' tumitigil sumulat, imulat ang salita Tawagan mo na ang amo mo Sabihin sa kanya to' Na di' uubra lahat ng uhugin na lyric ko Narito ang batang Gusto nya dating hawakan Ba't lahat ay nag-atrasan Ng aking unang subukan Hawakan ang mikropono, making sa tulang ito Mga bulong-bulongan sa paligid ng 'bang tao Ano ba ang pangalan nyan at sang lupalop ng galing Mga bumabangka nagmistulang mga sinungaling Matapos kong bitawan ang mikropono na basa Ng aking laway mula sa nagbabagang salita
[Chorus]
Pag narinig mo ang aking banat siguradong ika'y Makakalimot na parang sampal ng iyong inay Sa 'yong mukha Bumabaling kanan at kaliwa Pilitin mang makasabay palagi kang saliwa Habang pinagbabalibagan ng versikolo ko Ang matagal mong isinulat na versikolo mo Pagsama-samahin pa lahat ng versikolo nyo Ay di' kayang tapatan ang mga awiting ito Pati damit mo, kahit gaano pa kamahal Sa tenga ng mga tao ano ang sumatotal Wag kang sumugal Kahit saan pa makarating Ano ang yong nakikita sa harap ng salamin Alam mo ang ibig kong sabihin Hindi ko na kailangan pang Ipamukha sa iyo alam mo na ba Na may isang datihan na ngayo'y nagbabalik Kakaibamg tunog ang kanyang inaasik