[Chorus:] Jologs kami na kung tawagin ay mga Jologs taong hindi katulad ng iba Jologs sila na kung tawagin ay mga Jologs kaya mo bang maging tulad nila Jologs kami na kung tawagin ay mga Jologs taong hindi katulad ng iba Jologs sila na kung tawagin ay mga Jologs sana'y wag mong husgahan sa mata
Jologs kami na kung tawagin Ng mga taong di kayang harapin ang salamin At mabuhay ng makulay kahit kape't tinapay Lang ang pagkain mo at ang hapunan mo'y kalamay Ang ibig kong sabihin ay halika nga dito makinig ka sa akin At nang sa ganon ika'y maniwala sa mga sinasabi ko ng malaman mo ang Dahilan kung bakit ang pantalon ko ay maluwang Kasi wala naman akong pambili ng mga 'to Hindi ko naman kailangan ang makintab na relo Wala nang pamasahe sumasabit na lang sa jeep Kayang matulog sa papag mainit at masikip Man ang pinapasukan na eskinita sa trabaho Hindi sumisimangot may maamoy man na mabaho Ganyan kaming mga taong hindi marunong magtago Kung ayaw namin ay ayaw namin Kami na kung tawagin ay mga...
[Repeat Chorus]
Bakit ka umiirap sa amin pero mas panget Pa ang kasama mo makapal lang ang wallet Bili mo ko non bili mo ko nyan ang sinasapit Para sa paglakad lagi nang nakakapit Hindi kami mga sumasamba sa piso Kuntento na sa galunggong na pinirito Pag bumili di na humihingi ng resibo Laging nakatawa kahit na walang pustiso Ganyan ang mga nakakasama ko sa 'min Kumapit ka ng mabuti kapag humangin Pag may inuman ay di mo pwedeng awatin Kasi di uso sa amin ang mahiyain Kaya bago pa matapos ang aking awit Isipin mo ng malalim mga ginamit Na salita para sa amin ay lumapit Kami na kung tawagin ay mga...
[Repeat Chorus]
Mga taga Malate kami na kung tawagin ay mga Jologs (Jologs) Mga taga Quiapo kami na kung tawagin ay mga Jologs (Jologs) Mga taga Paranaque kami na kung tawagin ay mga Jologs (Jologs) Mga taga Pasay kami na kung tawagin ay mga Jologs (Jologs) Mga taga QC kami na kung tawagin ay mga Jologs (Jologs) Mga taga Valenzuela kami na kung tawagin ay mga Jologs (Jologs) Mga taga Pasig na kung tawagin ay mga Jologs (Jologs) Mga taga Binangonan kami na kung tawagin ay mga Jologs (Jologs)